The Komisyon sa Wikang Filipino (Commission on the Filipino Language) or KWF acknowledges Kalam and its national significance. Taken from their official website:
Inaasahang dadagsain ng mga Kapampangan ang naka-iskedyul na Engrandeng Pagbubukas ng Kalam, ang kauna-unahang Kapampanganobela na gaganapin sa SM City, Lungsod ng San Fernando, Pampanga sa darating na Agosto 27, 2008.
Binigyang-diin ng mga producer ng Kalam na ito’y higit pa sa isang palabas pantelebisyon lamang. Ito anila ay isang advocacy project na naghahangad na itaguyod ang kultura at wikang Kapampangan sa ibang panig ng mundo, habang ipinamamalas at pinagbubuti ang kaugnay na mga kasanayang pang-media ng mga Kapampangan. Pinapangarap nila ang araw na ang iba-ibang mga grupong etnolingguwistiko ay magsimulang magpalitan ng mga teleserye sa isa’t isa sa halip na umangkat pa ng mga palabas sa ibayong dagat. Ang gayong palitang kultural sa pamamagitan ng broadcast media ay mag-aambag sa malaon nang pagkaantala sa pagsasakatuparan ng pambansang pagkakaisa para sa mga Pilipino.
Ang lahat, mula sa mga artista hanggang sa mga producer, mula sa mga camera man hanggang sa mga production designer, mula sa mga production assistant hanggang sa mga technical director – na sangkot sa produksyon ng telenobelang Kalam ay pawang Kapampangan lahat mula sa pinakamataas hanggang sa pinakamababa. Ang Kalam ay isasahimpapawid gabi-gabi maliban sa araw ng linggo sa Infomax-8, isang cable channel sa Pampanga bagamat wala pang eksaktong araw at oras kung kailan ito isasahimpapawid.
Saturday, August 23, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment